JoyNovel

Lisons le monde

Ouvrir l'APP
Crushback Teen Fiction

Chapter 2

  Synclair Rousell Oribiada's

  I have this one girl na siyang nakakuha ng aking atensyon, unang araw pa lang iyon ng eskwela. She's pretty. Sabi ng mga kaibigan ko ay crush daw ako kaso ay wala daw balak umamin sa akin.

  Nakakahiya naman kasi talaga kung babae ang mag fi-first move. I admit, inaantay ko talaga yung araw na aamin siya sa akin. Ngunit magtatapos na ang school year ay wala pa rin siyang ginagawang kahit anong hakbang.

  "Sync, ano na? Mag-aantay ka nalang ba riyan? Galaw galaw. Sige ka maunahan ka pa ng ibang tao riyan," panunudyo ni Gavin, isa sa mga tropa ko.

  "Hindi iyan. Sa gwapo kong ito, hindi niya ako ipagpapalit noh," pagmamayabang ko pa pero sa katunayan ay medyo kinabahan ako sa sinabi ni Gavin.

  Crush niya lang naman ako kaya pwedeng mahulog siya sa iba.

  "Sige, Sync. Libre naman ang mangarap," at tumawa si Gavin ng sobrang lakas kaya pati ang grupo ni Lailou or should I say Lou ay napatingin sa gawi namin.

  Nasa cafeteria kasi kami ngayon. Breaktime kaya dito ko naisipang tumambay pero ang totoo ay dahil kay Lou kaya ako nandito.

  Oo na, inaamin ko na. Nagiging stalker niya ako minsan kapag hindi ko na kayang hindi siya makita. It feels like, my day isn't complete without seeing her.

  "Hay naku, Sync. Kung ako sa iyo. Nilalapitan ko na siya kaysa naman sa pasulyap sulyap ka lang dyan," sabat naman ni Calixto.

  "Oo nga, Sync," pag sang-ayon ni Lisa. Ang nag iisang babae sa grupo namin. Girlfriend kasi siya ni Calixto.

  "Don't interfere with my decision, guys. Kaya kong mag desisyon mag-isa. Una na ko. Ang kukulit niyo. Tss!" inis kong iwinika bago ko iniwanan ang tatlo.

  Nakakainis naman! Nandoon pa si Lou eh. Hindi pa nga ako natatagalan na sulyapan siya. Epal naman kasi ang mga bugok na iyon. Parang hindi mga kaibigan.

  Bumalik nalang ako sa classroom. Tutal naman ay masusulyapan ko ulit siya. Hihintayin ko nalang ang pagbalik niya sa classroom nila.

  "Sync, hinahanap ka ni ma'am Santiago. Sumali ka raw ng quiz bee," bungad ni Steven, isa sa mga kaklase ko.

  Huwaw naman! Epal din minsan ang mga teacher aba! Aabangan ko nga ang babe ko tapos biglang may eepal na naman.

  Hayst. Walang hiyang buhay to, oh.

  "Ah sige, kailan ba?"

  "Sa susunod na linggo raw. Kakausapin ka na raw niya bukas."

  Yes!

  Akala ko ay pinapapunta ako ngayon sa department eh. Buti nalang.

  "Sige, salamat, Steven." Tinapik lang ako ni Steven bago niya ako iniwan.

  Nakipag kwentuhan ako sa mga kaklase kong nasa labas ng silid namin pero ang totoo ay hinihintay ko talaga ang pagbalik ni Lou sa kanilang silid na medyo makikita ko kasi ay medyo katapat ng silid namin ang kanila.

  Sa pagdating ni Lou. Muli akong napangiti. Nasilayan ko na naman ang kaniyang magandang mukha.

  Hay, Lou. Kung alam mo lang kung gaano ako kabaliw sayo. Paniguradong hindi ka maniniwala.

  Lailou Fleurica Altamirandi's

  Habang naglalakad ay pinag-iisipan ko kung paano ko nga ba mamahalin ang Math subject. Lintek na Math kasi iyan. Bakit pa naimbento? Kung bakit naman kasi hindi ko gustong pag-aralan ang Math. Huhu. Lagi tuloy akong kulelat.

  "Lou, baka madapa ka. Malapit na tayo sa classroom at nakikita ko na naman si Sync na nasa tapat ng kanilang classroom at infairness ha, bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform natin," lintek din itong Eunyce eh. Lagi na lang akong inaasar.

  Kung asarin ko rin kaya siya kaso hindi ko naman kilala kung sino ang crush niya. Paano ko siya maasar? Hayst. Boplaks, Lou.

  "Eunyce, hindi naman si Synclair ang iniisip ko. Iniisip ko yung Math. Kung paano ko mapapabagsak ang Math," seryoso kong iwinika pero tinawanan lang ako ng tatlong kasama ko.

  Nainguso ko na lamang ang aking labi. Kainis naman. Seryoso kaya ako.

  "Just confess, my dear bestfriend para hindi ka na rin imagine nang imagine ng mga bagay-bagay," pang-uudyok pa ni Leiyan.

  "Ano ka ba naman, Lou. Magseselos niyan si Sync. Ipinagpapalit mo siya sa Math," natatawang sinabi naman ni Sela.

  Hawak hawak na niya ang tiyan niya pati yung dalawa.

  "Girls, stop laughing. Nasa hallway kayo at wala sa loob ng silid niyo. Umayos nga kayo. Pumasok na kayo sa inyong silid," ang boses ni Mr. Cardinal ang nangibabaw sa tawanan ng tatlo.

  Ayan buti nga sa inyo. Hahahaha.

  "Sorry po, sir," hinging paumanhin nila. Nakisabay na rin ako at baka pati ako ay mapagalitan pa.

  Agad silang mabilis na umalis habang ako ay naiwan. Kakamot kamot ako sa aking ulo atsaka ako umalis sa harapan ni Mr. Cardinal.

  Mang-iiwan talaga sa ere ang mga babaitang iyon. At sa kamalas malasan pa, dahil sa wala ang atensyon ko papasok ng silid. Nauntog ako. Sapul ang aking mukha sa dingding.

  Ampuchi naman! Yung ilong ko. Huhu. Malas talaga.

  "Ayos ka lang, Lou?" hindi ko alam kung natatawa ba o naaawa sakin ang mga kaklase ko. Lahat kasi sila ay nasa harapan ko na.

  "Do I look like I'm okay? Kayo kaya i-untog ko sa pader. Tss,"asar na sabi ko.

  Pumasok ako sa loob ng silid namin na hawak hawak ang ilong ko.

  Ang malas mo talaga, Lou. Siguro ay may balat ka sa pwet kaya ka minamalas.

  "Lou, hali ka. Dalhin ka namin sa clinic," nag-aalalang boses iyon ni Leiyan. Hindi ko siya pinansin.

  Bahala sila dyan. Hmp. Okay lang kahit mamaga itong ilong ko. Maganda pa rin naman ako. Pero kung nakita ni Sync ang nangyari? Ano nang gagawin ko? Huhu. Wala na kong mukhang maihaharap sa kaniya.

  Putakte namang buhay ito. Kainis.

  Lupa, kainin mo na lang ako. Please.

  "Baka mamaga pa iyan, Lou. Sige na magpasama ka na sa clinic," ani naman ng presidente namin.

  Hindi ko pa rin sila pinagtuunan ng pansin. Naka pangalumbaba lang ako.

  "Zancho, hingi ka nalang ice sa cafeteria para si Lou nalang maglalagay ng ice sa ilong niya," dinig kong utos naman ng vice president namin.

  "Okay lang ako. Magsisimula na ang klase kaya huwag na kayong umalis at baka mapagalitan pa kayo," saway ko naman sa balak nilang gawin.

  "Pero, Lou baka mamaga iyan," si Leiyan.

  Hindi naman masyadong masakit. Ang OA OA naman ng mga kaklase ko. Mas OA pa sa akin.

  "Hindi naman masyadong masakit kaya hindi mamaga, okay. Hayaan niyo na ako."

  "Okay, if you say so," pagkikibit balikat naman ni Kristeta na siyang presidente namin at umalis na sa harapan ko.

  Sa susunod ay babawian ko yang pader na iyon. Akala niya ha. Iuuntog ko rin siya.

  Hmp!

  Hindi tayo bati, pader. Hindi na ako mag wawalling sayo kahit na kailan. Itaga mo yan sa bato.

  Nag evil smile pa ako.

  Nabuang na ako. Nasapian na ata ako. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagpasyang makinig na lang sa lesson na ituturo ng aming guro na nakabusangot ang mukha sa pagpasok sa aming silid.

  P. S. Buang yung author kaya pati mga characters nasasapian. Hahahaha. XD. Pagbigyan niyo nalang po. Here's my update for today. Hope you enjoy reading it. Hihi

  P. P. S. Next update? Kapag naisipan ko ulit hahahaha.

Précédent
Chapitre suivant
TÉLÉCHARGER LE LIVRE GRATUITEMENT >>